Sa Laverdad
Matagumpay na naipatayo ang paaralang
La Verdad Christian College Caloocan (LVCC) sa pangunguna nina Bro. Eliseo F.
Soriano at Kuya Daniel S. Razon. Ang paaralang ito ay itinaguyod para sa mga
mag-aaral na nais makapagtapos ng kani-kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
Ang LVCC ay ang nag-iisang pampaaralan
na walang binabayaran ang bawat estudyante. Sa katunayan lahat ng mga bagay na
may kaugnayan sa pag-aaral sa kolehiyo ay libre. Halimbawa nito ay ang
uniporme, mga libro, pagkain, pati na rin ang mga kompyuter, camera at iba pang
mga kagamitan na maaring makatulong sa mga iskolar sa nasabing paaralan.
Hindi lang yan, maging sa mga
pangpinansyal ay tumutulong sina Bro.Eli at kuya Daniel sa mga iskolar na
kanilang pinapag-aral upang hindi ito mawalan ng pag-asa sa kanilang pag-aaral,
upang hindi maging dahilan ang kahirapan sa pag-aaral ng mga piling iskolar ng
LVCC.
Kaya bilang iskolar o mag-aaral
tanging pag-aaral ang aming iginaganti upang masuklian namin ang mga paghihirap
at kabutihang naibabahagi nila sa amin.
Kahit mahirap mag-aral, masigla pa rin
ang mga iskolar at patuloy na nag-aaral sa abot nang aming makakaya. Di lang
iyan, dahil aktibo ang lahat sa mga aktibidades na mayroon sa paaralan na ang
bawat isa ay nagpapakita ng kani-kanilang mga kakayahan sa nasabing patimpalak.
Gaya na lamang nito ay ang “Buwan ng
Wika” na ang bawat isa ay naging masaya dahil sa matagumpay itong naidaos. At
hindi lang iyan nagtatapos sapagkat madami pang mga aktibidad na dapat abangan
ng lahat.
Mayroon din namang mga organisasyon na
maari ding salihan ng mga mag-aaral gaya ng Teatro La Verdad (TLV) na iyong
ipapamalas ang iyong galing sa pag-arte, Blue Ants naman para sa mga mahilig sa
pagsayaw, Veracidad naman para sa mga magagaling sa pagsusulat at marami pang
ibang organisasyon na pwedeng salihan na tiyak na mapupulutan ng lahat ng aral.
Type
of Structure: News Feature Story