Biyernes, Setyembre 6, 2013

article 2


Isyu ng bayan hindi matapos-tapos

             Isiniwalat ng CBCP-NASSA (Catholic Bishop Conference of the Philippines National Secretariat for Social Action Justice and Peace) ang tungkol sa isyung pork barrel scam na hindi lamang si Janet Lim Napoles ang utak sa nasabing kaso.
            Hamon ni Chairman Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa Pangulong Aquino na hindi lamang si Napoles ang dapat sisihin kung hindi pati na rin ang mga mambabatas at iba pang opisyal ng pamahalaan na sangkot sa pork barrel scam.
            Ayon kay Pabillo, na isa din ang mga mambabatas at ilang mga katiwalian at iba’t-ibang pekeng hindi naman governmental organisasyon ang dapat din masisi sa usaping ito at hindi lamang si Janet Lim Napoles ang naiipit sa kaso.
            Panayam din nito sa Radio Veritas na 30-percent lamang napakinabangan ni Napoles samantalang halagang 70-percent naman ang napunta sa bulsa ng mga mambabatas. Aniya kahit naman na nakuha na nila si Napoles na sinasabing utak sa 10 Bilyong pisong pork barrel scam ay hindi pa din nila mareresolbahan ang kaso sapagkat ang tunay na nakinabang ay ang mga hindi tunay na mapagkakatiwalaang mambabatas.
            Samantalang tinatayang 12 bilyong pisong pork barrel mula sa 101 bilyong piso na inilabas noong taong 2010 na napunta sa pekeng NGO at anim na mambabatas na kaalyado ng Pangulo na nakatanggap sa sobrang pork barrel katulad na lamang ni Senedor Pia Cayetano na 277 milyong piso lamang ang pork barrel fund ng isang Senador.

Type of Structure: Straight News

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento